Kilos Pilipinas

Ang Pilipinas ay isang umuunlad na bansa. Maraming mga bagay ay nagsismula magbago upang mapaganda ang ating bansa. Kagaya ng paggagawa ng mga negosyo at pagbenta ng mga lokal na produkto. Gumagawa rin tayo ng sariling mga pelikula at musika. Ngunit dahil sa impluwensiya ng ibang mga bansa nawawala ng tiwala ang mga Pilipino sa gawa ng ating mga kababayan. Naapektuhan ng kolonisasyon ang ating lipunan dahil ang pagmamahal natin sa sariling bansa ay nawawala. Hindi natin ito napapansin dahil sa sobrang daming bagay na ginagawa natin. Kapag bumubili tayo ng mga gamit, hindi naman lahat ay gawa dito sa Pilipinas.

  1. Karamihan ng mga tao ay gustong bumili ang mga “imported” na gamit dahil akala nila ng mas maganda ito. Ang isang halimbawa ay ang mga taong bumibili sa S&R membership shopping. Masasabi ko na ang nanay ko ay gustong bumili roon dahil iniisip niya na dahil gawa sa ibang bansa, kagaya ng Amerika, mas maasyos produkto nila. Nasa isip ng mga Pilipino na kapag sinabi na galing sa ibang bansa mas maganda. Ang mga kanin natin ay imported dahil ayon sa artikulo mayroong rice shortage. Sikat ang ating bansa sa paggawa ng mga palay o kanin. Pero buminili parin tayo ng galing sa ibang bansa. Dapat tayo ang nag-export ng mga bagay upang tumaas ang ekonomiya ng bansa. Sa mga Pilipino, siguraduhin na ang bibilihin na pagkain ay gawa ng Pilipinas. Kawawa naman ang mga magsasaka kapag walang bumibili ng tanim nila.
  2. Malakas ang impluwensiya ng Amerika sa ating bansa. Ang pagsalita ng ingles ay sikat at maraming mga tao ay nagsasalit nito. Sa mga taong may kakayanan sa buhay kadalasan ay ingles ang pagsalita nila. Sa paaralang, Xavier School, maraming mga bata ay Filipino-Chinese ngunit ang wikang ginagamit nila ay hindi Pilipino. Hindi natutunan ng mga bata ngayon ang kahalagaan ng paggamit ng wikang Pilipino. Nagsasalita lang sila ng Pilipino sa mga, katulong, tsuper, at tindera. Kailangan masanay ang mga bata gumamit ng mga salitang Pilipino. Sinusuportahan ko ang buwan ng wika dahil ito ay nagbibigay ng pagkabatid sa mga tao. Hindi naman kailangan sobrang lalalim ang paggamit ng wika. Natural lang ang pagsalita nitong wika dahil nasa Pilipinas tayo.
  3. Sikat ang Amerika sa buong mundo at lalo na sa mga pelikula at musika. Sa mga sinehan, lamang ang mga pelikulang amerikano kaysa sa mga gawa ng Pilipino. Kadalasan ang mga masa ang nanonood ng mga teleserye sa abs-cbn o gma. Hindi natin binibigyan ng halaga ang talento ng ating kababayan. Kung makikita natin sa Shangri-la sinehan (as of 12-03-14) walang Pilipino pelikula. Kaya dapat tuwing Metro Manila Film Fest sunusuportahan natin ito. Kailangan manood tayo ng mga pelikulang Pilipino. Ang OPM rin ay hindi gaanong sikat. Ang mga views sa YouTube ay hindi tumatala sa mga sikat na kanta ng mang-aawait sa ibang bansa. Ang musika na maririnig sa radio ay puro galing sa ibang bansa. Sa mga “top 50 songs” ng “Magic 89.9” kadalasan hindi OPM ang lumalabas. Mas pipiliin ng mga Pilipino makinig ng ibang klaseng musika kaysa sa OPM. Kailangan suportahan natin ang talento ng mga Pilipino at hindi ikahiya ito.
  4. Mahalaga na alam ng isang Pilipino ang kasaysayan ng ating bansa. Upang mahalin ang ating bansa, dapat bigyan ng halaga ang ating mga bayani at ang araw ng kalayaan. Tuwing mayroong kapistahan sa ating bansa dapat gumagawa tayo ng iba’t-ibang bagay para mahalin ang ating bansa. Ang araw ng kalayaan ay isang mahalagang pangyayari noong 1898. Ito ang marka upang tayo ay malaya. Dapat sumasali ang mga tao sa mga programa na ginagawa ng mga baramgay. Alam dapat ng isang Pilipino kung sino ang pambansang bayani at kung bakit si Jose Rizal ang dahilan upang maging malaya tayo. Bibigyan natin sila ng respeto dahil sa hirap at tiyaga na ginawa nila para sa ating bansa. Kalimutan natin ang mga pangyayari o piesta ng ibang bansa. Tayo ay na-impluensiya ng ibang bansa kagaya ng pagsunod ng “Halloween”. Mahalaga na alam natin kung ano dapat mangyari tuwing Hunyo 12.
  5. Hindi mabubuo ang isang bansa kung walang mamamayan. Ang Pilipinas ay isang bansa na maraming mahihirap. Kailangan magbigayan ng respeto ay mga Pilipino sa isa’t-isa. Dahil mayroong mga mahihirap at mayayaman na tao, iba-iba ang mga ugali nila. Ang mga mayayaman ay tinutulungan ang mga mahuhirap pero ayaw nilang makisama sa kanila. Sa isang artikulo si Many Pacquiao ay mayroong bahay sa Forbes Park at binibenta niya ito. Ang dahilan ay ang kanyang mga kapit-bahay ay nagrereklamo sa mga mahihirap niyang bisita. “Man of the Massses” ang tawag ni Pacquiao sa sarili niya. Naiintindihan niya ang kapit-bahay pero simple lang daw ang buhay niya at gusto niyang tumulong palagi. Sana ang mga mayayaman katulad ni Pacquiao na mahirap o mayaman tatangapin niya sa kanyang bahay. Walang pagtatangi-tangi dahil lahat ay kababayan natin.
  6. Ang Pilipinas ay kung saan tayo nakatira. Dapat alagaan natin ang ating tirahan at wag itong sirain. Nagsisimula ang lahat ng bagay sa mailiit na paraan. Huwag tayong magtapon ng basura sa kahit saan, itapon dapat sa basurahan. Alagaan natin ang lipunan dahil dapat maganda ang ating bansa. Sumunod rin tayo sa mga batas upang hindi magulo. Ayon sa DILG mataas ang “crime rate” sa metro manila ngunit dahan-dahan bumababa na. Sanay ipagpatuloy ng mga Pilipino ang pagiging mabuti ng mamamayan para may asenso sa buhay nila at sa bansa natin.

Ayon sa mga dahilan na sinulat ko sana ay makatulong itong mahalin ang ating bansa ng lubos at alagaan ito.

http://www.isi-web.org/component/content/article/5-root/root/81-developing

http://www.shangrila-plaza.com/now-showing/cinema-1/boyhood

http://www.topgear.com.ph/features/columns/all-will-drive/the-best-selling-cars-in-the-philippines-from-1995-to-2010/?rel=related-int

http://www.magic899.fm/

http://getrealphilippines.com/blog/2012/04/a-sense-of-nationalism-the-philippines-has-no-such-thing/comment-page-2/

http://www.gmanetwork.com/news/story/312680/pinoyabroad/kwentongkapuso/kwentong-kapuso-what-phl-independence-day-means-for-fil-am-boxer-ana-julaton

http://www.wheninmanila.com/the-real-reason-pacquiao-is-selling-his-mansion-neighbors-dont-like-his-badly-dressed-visitors/

http://www.gov.ph/2014/11/28/dilg-chief-pnp-unveil-data-driven-fight-against-crime/